Advertisements

Patakaran


Hinihimok ng Alimbúkad ang sinumang mambabasa na mag-iwan ng puna, mungkahi, at pagtutuwid sa mga akdang nalathala—pinakabago mang labas o lumabas noon. Gamitin sa pagpuna, hangga’t maaari, ang wikang Filipino o kaya’y ang anumang wikang mauunawaan ng nakararaming Filipino. Ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaskil ng anumang pagbabanta, paninira, pananakot, pambabastos, pornograpiko, at iba pang teksto o imaheng labag sa itinatakda ng batas sa Filipinas at sa pandaigdigang antas. Sikaping ang mga puna ay kaugnay ng paksa ng akda ng awtor, at gumagalang sa kaniyang pananaw. Sinumang pumuna ay siyang mananagot sa kaniyang mga winika o isinulat, at sa mga pagsandig o pagsipi niya sa mga winika o inakda ng ibang tao. Sa pagbibigay ng iyong puna, binibigyan mo rin ng karapatan ang Alimbúkad na paikliin, ayusin, ipaskil, gamitin, ilimbag, at ipalaganap ang iyong mga puna ngayon at sa darating na panahon.

Patakaran sa Pagkawing

Bukás ang Alimbúkad na makipagkawing sa anumang pook-web at blog na mula sa sinumang Filipino at handang magpalaganap ng pagsulong ng sambayanang Filipino saanmang panig ng mundo.

Patakaran sa Padalang Basura

Sinumang tao na malimit nagpapadala ng mga basurang puna [spam comment] at basurang pasa [pingback] sa Alimbukád ay haharangin ang ISP (Internet Service Provider) number upang hindi na muling makapaminsala. Haharangin din ang mga puna at pasa na pawang ang layunin ay ilihis ang daloy ng mga mambabasa ng Alimbúkad sa ibang pook-sapot. Layon ng ganitong mga hakbang na pangalagaan ang Alimbúkad dahil nakalaan ito para sa ikalalago ng mga Filipino.

Advertisements

62 Tugon

  1. Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Marami po akong nabasang mga makabuluhang akda mula dito na makakatulong sa pagtuturo ko ng asignaturang Filipino sa hayskul. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman.

    • Walang anuman, Jennifer. Ginagawa ko ito para sa mga Filipino, at sa ikalalago ng kapuwa wika at panitikang Filipino. Asahan mong higit na gaganda ang nilalaman nitong Alimbukad sa darating na panahon.

    • magandang hapon sir, nais kong magpasalamat sa blog mo po.Ako ay mag-aaral sa MA Filipino.Malaking tulong po ito sa isang kagaya ko po.

      • Walang anuman, Rachel.

      • Sir, maari po bang bigyan niyo po ako ng kaugnay na literatura ng Alamat ni Tungkung Langit? Maaari ko bang gamitin ang Alamat ni Malakas at Maganda kaugnay rin nito? maraming salamat po!

      • Basahin mo ang Myths and Legends ni Damiana Eugenio. Naroon ang iba pang paliwanag sa asignatura mo.

  2. magandang araw po sa inyo! ako po ay isang mag-aaral sa hayskul.. nasa ikaapat na taon na po sa kasalukuyan.. mayroon po kaming proyekto na kailangang gumawa ng sanaysay at ipabasa iyon sa isang manunulat, nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo.. kung maari po ay sa inyo ko iyon ipabasa at kailangan po namin ng inyong komento ukol doon.. maraming salamat po.. kung pwede po ay hihingin ko ang inyong e-mail address.. salamat po! 🙂

    • Baka naman sampu o higit pang sanaysay ang ipabasa mo sa akin, at wala akong panahon para doon. Ngunit mapagbibigyan kita kung isa lamang. Ang sulatroniko (email) ko ay matatagpuan sa kaliwang panig ng aking blog. Wala akong hihilinging kapalit sa iyo kundi ang mainit na pagtangkilik sa panitikang Filipinas.

      • isa lamang po ang ipababasa kong sanaysay.. maraming salamat po.. mabuhay po kayo! 🙂

  3. maaari po bang ipamahagi ang inyong link sa mga social networking site tulad ng Facebook upang ipalaganap ang mga kuro kuro niyo lalo na sa isyu ngayon hinggil sa National Artist Awards? salamat po

    • Maaari mong ikawing ang blog na ito, lalo kung makatutulong sa mga Filipino. Salamat, at isang tagay sa iyo.

      • maraming salamat po!

  4. magandang araw po! naipadala ko na po sa inyong sulatroniko ang sanaysay na aking sinasabi.. maraming salamat po! 🙂

  5. G. Añonuevo,

    Malugod pong pagbati.

    Sir, nais ko po sanang hingin ang pahintulot ninyo na isama sa “blogroll” ko ang Alimbúkad at gawan ng link sa isang pahina ng aking “blog”. Nagsisimula pa lang po ako sa pagbuo ng Filipino blog.

    Lubos po akong nagpapasalamat,
    D. G. Jacob Jr.

    • Malaya mong ikawing ang aking blog sa iyong blogroll. Salamat, Danilo!

      • Salamat po ulit. ^^

  6. Sir, isa po ako sa mambabasa ng tula ninyo. Katunayan ay meron akong dalawang libro ninyo, ‘yung Paghipo sa Matang-Tubig at saka Pagsiping sa Lupain.

    Maaari po bang ikawing ko ang iyong blog sa aking blog. Kung maaari rin po ay isama n’yo na rin ako sa listahan ng inyong blog, http://williamrodriguez11.blogspot.com.

    Maraming salamat po

    • Salamat, William, at asahan mong ikakawing ko ang blog mo sa Alimbukad.

  7. gandang araw po maari nyo po ba akong tulungan ako ay unang taon sa sekondarya ako po ay may assignment tungkol sa mga artikulong kumukuwestyon sa kabayanihan ni emilio aguinaldo, maari po bang i post nyo ang sagot o ipadala sa email add ko maraming salamat po

  8. Prof! May mga banners ka ba o mga images/badges na pwede naming gamitin para i link ang Alimbukad? Gusto sana namin itong i-feature sa TOP (http://www.tagalogonlinepocketbook.com) Kung tutuusin, kayo ang una naming ka-alyansa dahil kayo ang unang sumuporta sa amin. SAlamat po!

    • Wala akong imahen o badge, at hindi ako eksperto sa ganyang usapin. Maraming salamat sa pagtatampok sa Alimbukad, at patuloy ang aking tangkilik sa inyong pangkat.

  9. Kasamang Bobby,

    Gud eyem pare. Ang mundo’y napakaliit. Kumusta na ang kumpare kong henyo. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin dito lang pala sa Internet. Maraming taon na ang lumipas pero hindi pa rin naaalis ang mga lumipas na kahapon sa aking isipan. Sana isang araw maligaw ako sa lugar na kung saan isinilang ang isang dakilang manunulat at muling sariwain
    ang manga nakalipas na panahon…
    Sana sa mga darating na araw ay magkita ang magkumpareng mapangarap….sa awa ng Poong lumikha magkita ang ang ating landas at kaunting kamustahan..
    Mabuhay ang buong Pamilya…kumusta na si Mareng Beth at ang inyong anak..mga anak…ilan na nga ba yon.

    Muli,

    Leunamme Etreufalliv (Ka-Mhoney)

  10. Muli,
    Ang mga handog-libro mo sa aki’y minsan sininop ko sa kadahilanang nabasa ito ng malakas na ulan…meron kaunting tulo ng ulan sa aking imbakan ng mga libro. Doon muli ko binalikan ang mga magagandang araw na lumipas sa Tanggapan ng FDA…kumusta na kaya ang grupo may kontak pa kaya sa isa’t-isa. Sana isang araw ay makasama ako sa manga lakarang kahit ano sarili ang mundo hindi na laging seryoso isang araw na sarili ang mundo pakawalan ang sarili…Hehehehe.

    Ka-Mhoney (lakas Quezon)

    • Hayaan mo, Ka Mhoney, at dadalawin kita minsan diyan sa Quezon. Magdadala ako ng inumin, at ikaw ang bahala sa pulutan. Salamat sa pagdalaw!

  11. ganda

  12. sir please visit my site pag my time ka nag popost po ako ng mga tulang filipino at ingles pero wala po akong editor na nag tsetsek ng kawastuhan nito. bukas po ako sa inyong mga puna at suggestion. salamat po

  13. http:// tilamsik.i.ph yan po ang blog ko salamat ulit

    • Binisita ko ang pook mo at sa aking palagay ay marami kang dapat baguhin sa pagsusulat. Kailangan mong mag-aral muli sa pagsusulat ng tula at dumalo sa mga palihan, gaya sa LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo). Huwag mo nang tangkain pang tumula sa Ingles, at baka ulanin ka ng banat mula sa mga grammar nazi.

  14. master,
    salamat po sa site na ito at ngayon maari na akong makapagbasa ng mga akda gaya ng iba ako rin ay isang frustrated writer at nais ko pong matuto ang tanong po ay kung paano ako makakahanap ng isang sulok sa lira?

    • Bukás ang LIRA sa sinumang tao na ibig matuto sa pagtula. Dumalaw ka lamang sa websayt ng LIRA at doon mo malalaman kung paano ito makokontak.

  15. maari po bang pakipuna ang tulang ito?

    marahil walang nakababatid sa lihim ng sta. clara
    at kung meron man
    ay wala namang bayag para humakbang
    dahil hari ang mga pari
    sa panahon ng karimlan

    nais ko pong matuto ang ibang likha ay nasa blog ko agiwsakokote.blogspot.com

    • Paumanhin, ngunit hindi tula ang iyong ginawa.

      • kung ganun ano po??sanma po’y matulungan nyo ako??

      • Sige, tutulungan kita, at magbibigay ako sa iyo ng ilang puna.

  16. maraming salamat po. ahmm naranasan ko na nga pong nga banat ng tinatawag mong gramar nazi. haha salamat po ulit sir

  17. isang kaibigang publisista ang nagtatanong:
    maaari bang mailathala ang mga tula, mga akda at larawan sa kanilang pahayagan.

    pero may pasubali: wala raw silang kakayahang
    magbayad sa ilalathala nila, at ang nais lamang nila ay maipalaganap ang mga akdang may brilyo ng literatura at sa nais din nilang mapalaganap ang wikang Filipino.

    salamat po.

  18. magandang araw po sa inyo… natutuwa po akong mabasa ang lahat ng mga nakasulat dito… nabigyan niyo po ako ng inspirasyon… kayo po ba ay isa sa mga tagapagsalin ng ilang katha na makikita sa loob ng mga LRT train?

    • Wala akong kinalaman sa mga salin na mababasa sa loob ng LRT. Gayunman, marami-rami na ang aking nasalin at ito ay kinakailangan nang maisaaklat.

      • maraming sanaysay at tula narin ang aking naisulat.marami narin ang humanga sa mga ito.isa daw akong tunay na makata.maaari ko bang mailatha ang mga iyon dito?

      • Depende sa iyong ipadadalang tula, at kung karapat-dapat mailathala ay bukas ang Alimbukad sa mga ambag mula sa publiko.

  19. bkt ganun po walang sanayasay dito ni robert anonuevo na “madaling nagpakatao” at ‘ mahirap magpakatao” , kasi pinapahanp sa amin ng aming guro, wala po tuloy akong mapasa
    😦

    • Hindi ka lang nagbabasa, Mary Rose. Maghanap ka sa Alimbukad, at mapapadali ang asignatura mo.

  20. pcnxa na po kung mali mali ang type ko, dapat po “madaling magpakatao”.. natapos ko po kasi ung 48 pages po ng website na to pero wala po ako nahanp, pinapabasa po kasi sa amin iyan ng aming guro dahil may assignment po kami kaso wala po talaga eh.. may naisulat po ba talaga kaung ganyan at nakalagay po ba dito mr. robert anonuevo ?salamat po sa inyong pagtugon.

  21. sir maraming salamat po.:)Godbless.

  22. magandang hapon,
    kaugnay pa rin po ng alamat ni Tungkung Langit sir ito ay Visayan Myth na isinalin mo po sa Filipino..tama po ba?

    Maraming salamat po.

    • Hindi ako gumawa ng salin; ang ginawa ko ay maituturing na halaw (o adaptasyon), at ang simpleng alamat ay ginawa sa paraang tulang tuluyan. Kaya hindi simpleng pagkukuwento lamang ang naganap. May panghihimasok na ako riyan, at kung paano naging kapani-paniwala ang tinig at perspektiba ni Alunsina ay siyang dapat mong tuklasin.

  23. ano po ang kahalagahan ng ortograpiyang pilipino at paano ko po mgagamit sa nakuhang kong kurso accountancy

    • Magiging gabay mo ang ortograpiyang Filipino sa iyong pagsusulat, at mababatid mo, halimbawa, ang mga paraan kung paano nanghihiram ng banyagang salita na ipinapasok sa korpus ng wikang Filipino. Mauunawaan mo rin ang iba pang bagay, gaya ng pagbabantas, pag-uulit, pagpapantig, atbp., na malaki ang maitutulong sa iyo upang magamit sa pagsulat mo ng mga ulat na may kaugnayan sa akawnting.

  24. maganda at pinagpalang araw po Ginoo ako po ay isa ring manunulat na nagpupumilit maging makatang katulad ninyo at nabasa ko po ang inyong mga akda at napagtanto ko na ako ay milya milya pa pala ang layo sa mga katulad ninyo. nais ko pong matuto sainyo kaya simula po ngayon ay akin ng aabangan ang lahat ng inyong mga akda. nais ko rin pong humingi ng mungkahi at payo sa inyo tungkol sa aking mga isinulat. ang akin pong blogs ay mababasa ninyo sa panitiknijemar.blogspot.com maraming salamat po. sana po ay mapagtuunan ninyo ng kaunting pansin ang aking mga akd.

    • Hindi ako maramot magbigay ng mungkahi kung nais mo talagang sumulat ng tula o prosa. Ipagpatuloy mo ang pagpapakahusay sa pagsusulat.

      • maraming salamat po…mayroon po ba kayong alam na mga patimpalak na maari kong subukang salihan.pasensisya na po at walang tandang pananong.

      • Pasensiya na, pero tinigilan ko na ang anumang timpalak. Naniniwala ako na hindi palakasan ang panitikan, kaya nagsusulat na lamang ako.

  25. kahanga hanga….maraming salamat po. hanggang sa muli mahal na Ginoo.

  26. Magmula po ng huli tayong mag usap nakapagsulat na ako ng dalawang tula
    Ang Pagpapako kay Juang Makata
    http://panitiknijemar.blogspot.it/2013/06/ang-pagpapako-kay-juang-makata.html
    at
    Ang Saiyong Kariktan
    http://panitiknijemar.blogspot.it/2013/06/ang-saiyong-kariktan.html
    Maraming salamat po.

    • Magaling, datapuwa hindi tula.

      • Ginoong Bob ano po ang tawag sa aking mga akda? Pagpasensiyahan po ninyo ako sa aking kamangmanangan marahil ang dahilan po nito ay ang hindi ko lubusang pag aaral ng mga sanayin sa pagsusulat ng tula. Kung maaari lang po sana ay matulungan ninyo ako upang sa susunod ay tunay na ngang tula ang aking maisulat. Maraming salamat po mag-uli at pasensiya na po sa aking abala.

      • Masusunod ang iyong kahilingan.

  27. Wari’y paruparong sa maunang tingin,
    animo ay gandang walang di papansin;
    nguni’t yaon pala’y ubod ng rimarim,
    mabunying halimaw na kalagim lagim.

    http://panitiknijemar.blogspot.it/2013/06/erehe.html

  28. Mapagpalayang araw po sa inyo Ginoo..:-) Nais ko lamang pong humingi ng kaunting datos tungkol sa kung papaano magiging mahusay na manunulat ang aking mga mag-aaral sa pahayagang pangkampus ng aming paaralan, gayundin kung papaano pa nila mapagyayabong ang paggamit ng wikang filipino. Kung hindi po ninyo naitatanong, ang pitak po ninyo na ito ay siya naming naging inspirasyon para po sa pagsisimula ng aming pahayagang pangkampus.Ipagpaumanhin po ninyo kung maging sa pangalan ng aming pahayagan ay amin kayong ginaya.( dahil po yon sa sarili kong kagustuhan sapagkat labis po talaga ang paghanga ko dito sa inyong pitak. Maging sa mga takdang-aralin ng aking mga mag-aaral ay dito ko sila pinapahanap para tama ang kanilang mga makukuhang sagot..;-)Matagal na po ninyo akong tagasubaybay mula pa noong nag-aaral ako, at ngayon ay guro na ako sa asignaturang FILIPINO..At hindi po ako nagsasawa sa pagbabasa ng inyong mga sulat, sapagkat nakakatulong po ito ng malaki sa akin. Nawa po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aking kahilingan. Salamat po..;-)

    • Una sa lahat, kailangang pag-aralan ang gramatika at palaugnayan [sintaks] ng Flipino. Makabubuti rin kung pag-aaralan ang Ortograpiyang Pambansa na inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino.
      Ikalawa, kailangang magbasa nang magbasa na mahuhusay na halimbawa ng panitikan at iba pang babasahing nasa wikang Filipino.
      Ikatlo, kailangan ang matalas na isip sa pagbabalangkas ng daloy ng pahayag.
      Ikaapat, kinakailangang isaisip kung sino ang pinagmumulan ng pahayag sa akdang sinusulat.
      Ikalima, makabubuting dumalo sa mga palihan (workshop) sa pagsulat nang sa gayon ay makapulot ng mga tip mula sa mahuhusay na kritiko at manunulat.
      Ikaanim, makabubuting bumili ng mga diksiyonaryo at tesawro na nasa wikang Filipino, gaya ng UP Diksiyonaryong Filipino na inedit ni Virgilio S. Almario.
      Ikapito, makabubuting magsanay nang magsanay sa tumpak na pagsusulat sa tulong o patnubay ng isang manunulat o kritiko; hindi maaaring magsasanay lamang nang matagal sa pagsusulat ngunit mali naman ang mga paraang ginagawa.
      Ikawalo, makabubuting humanap ng mga de-kalibreng padron na puwedeng gagarin sa simula, ngunit pagkaraan ay pagtatangkaang lampasan.
      Ikasiyam, huwag matakot sa mahihigpit na editor.
      Ikasampu, magsimula uling magsulat kapag naipalathala na ang isang akda.

      Ilan lamang iyan sa mga naisip na makatutulong sa inyo, ngunit malaya kayong suwayin o dagdagan o bawasan, alinsunod sa inyong pangangailangan.

  29. Nabasa ko ang iyong entry ukol sa kritikastro. Naiisip kong banggitin ito’t sipiin para sa aming diskusyon ng “Ang Paghuli sa Adarna: Tungo sa Isang Pamantayang Pangkultura” ni Nicanor Tiongson. Humihingi ako ng pahintulot para dito. Salamat.

    • Maaari mong sipiin, Luna, ang anumang nais mo. Mabuhay ka, at isang tagay sa panitikan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: