Alimbúkad


Roberto T. Añonuevo

ROBERTO T. AÑONUEVO, guhit ni Neil Doloricon.

Alimbúkad ang pitak ng blogistang si Roberto T. Añonuevo, na isa ring matinik na makata, kritiko, editor, at tagasalin. Isa siya sa mga pundador ng Oragon Poets Circle, ang samahan ng mga pili’t premyadong makata ng Filipinas. Kabilang sa mga tinamo niyang parangal ang Hall of Fame sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, SEAWrite Award, Komisyon sa Wikang Filipino, Grand Prize Sawikaan, National Book Award mula sa Manila Critics Circle, at maraming iba pa.

Ayon sa diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang alimbúkad, na hango sa sinaunang Tagalog, Bikol, at Bisaya, ay tumutukoy sa marahang pagbuka ng mga talulot ng bulaklak, o kaya’y sa unti-unting paglaganap ng liwanag o sinag. Tinatangka ng pitak na ito na isatitik ang gayong mga katangian, at ibahagi ang nasabing kaisipan nang may mataas na paggalang sa sinumang mambabasa.

Binuo ang Alimbúkad sa layong itaguyod, paunlarin, at palaganapin ang panitikang Filipino at wikang Filipino para sa mga Filipino saanmang pook sila naroroon. Tumatanggap ng mungkahi at puna ang awtor upang higit na mapahusay ang nilalaman at anyo ng kaniyang mga akda.

Protektado ang karapatang-ari © sa lahat ng akdang nakapaloob sa pitak na ito. Mahigpit na tinututulan ng awtor ang malaganap na plahiyo o pangongopya sa kaniyang mga sanaysay, tula, at iba pang kaugnay na akda nang walang pahintulot at upang pagkakitaan ng kung sino-sinong tao o pangkat.

Mangyaring sumulat sa alimbukad at yahoo dot com kung may nais kayong ipabatid sa kaniya, o kaya’y gamitin ang kahon ng Meebo sa gilid na kolum kung nais makipag-usap sa kaniya nang personal.

103 Tugon

  1. Aba kong ginoo! Sa isang iglap, ako’y naging isang tagahanga. Salamat sa pagtataas ng kalidad ng mga panulat sa wordpress. Pagpalain ka ni Bathala.

  2. Magandang gabi po! Maraming salamat po ulit sa paalala.
    -Vanessa Miranda (http://eliasrio.blogspot.com) 🙂

  3. ipagpatuloy mo nawa ang pagpapayaman at paglilinang ng ating wika. kapulutan nawa ng mga anunsiyante sa himpapawid na pawang natatangay na ng wikang kolehiyala na unti-unting kumikitil sa wika nating kinagisnan. Umaalimbukad sa iyong panulat ang isang bagong usbong ng sining at titik Pinoy.

  4. isang inspirasyon upang mas lalo pang pagyamanin ang ating sariling wika

    – tenco of alasais

  5. Salamat po sa komentaryo ninyo sa aking tula. Isa po akong baguhan na nabigyan ng inspirasyon na magpatuloy sa pagsusulat sa wikang Filipino. mabuhay po kayo…

    • Mabuhay ka rin, kaibigan. Nagulat ako sa iyong blog, at napakasipag mong magsulat. Ipagpatuloy mo ang iyong simulain.

      • nagulat po? 🙂

        salamat pong muli.

  6. Bobby, Nawa’y laging sumaiyo at syong pamilya ang kapayapaan at pagpapala ng Panginoon. Maligayang Araw ng Pagkabuhay!

    • Salamat, at sumaiyo nawa ang resureksiyon ng dakilang panulat.

  7. Sir Bobby
    bethina po ligaw na pusa ni sir mike po
    ayan po bilang pangako binisita ko po kayo

  8. Saludo ako sa iyo

    isang PURONG PILIPINO!

  9. Mukhang may mga mambabasa na hindi tatapusin ang pagbasa sa pitak na ito.Maaaring ito ay dahil sa ani nila “malalim” na mga salita. Nalulunod daw sila.

    Siyempre, makakatulong ang diksyunaryo. Lalong maunawaan ang inyong mga katha at huhusay sa wikang Filipino kung mayroong diksyunaryo. Ano po ang inyong imumungkahing diksyunaryo?

    • Inirerekomenda ko ang ikalawang edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino na lalabas ngayong Agosto o Setyembre, at inedit ni Virgilio S. Almario. At kahit ang Tesauro-Diksyunaryo (1972) ni Jose Villa Panganiban.

  10. Ang galing! Nabuklat ko po sa isang tindahan ang unang edisyon, at nadama kong lalong makikilala ko ang wikang Filipino kung bibilhin ito, bagkus talagang makapal. Ngunit hihintayin ko muna ang ikalawang edisyon.

    Kasulukuyan ko pong binabasa ang F_l_p_no ng mga F_l_p_no ni Virgilio Almario, at hindi ako nasiyahan sa nakalagay sa likod ng libro na “nakatakdang lumabas ang ikalawang edisyon sa taong ito.” Mukhang walang maibibigay ang google na impormasyon tungkol sa labas ng bagong edisyon. Salamat po sa impormasyon. At sana ngayong Agosto na siya lumabas! 🙂

  11. magandang umaga po. maari ko po bang banggitin ang inyong sanaysay tungkol sa kathang-agham sa pilipinas sa aking tesis? nakatulong po sa akin ang sanaysay, lalo na dahil nahirapan po akong maghanap ng mga libro at kritisismo tungkol sa kathang agham. salamat po!

    • Pumapayag ako, Erika, huwag mo lamang kaligtaan ang tamang pagsipi sa aking akda.

  12. Sir,

    Inadd ko nga pala po ang Alimbukad sa aking blogroll.

    Salamat po’t laging updated ang Alimbukad.

    ruth mostrales

    • Salamat din, Ruth, at dinalaw ko ang iyong blog na naibigan ko naman.

      • sir,

        dalawang beses nga pala akong nailagay sa inyong blogroll – (Blog Sari-sari at Blogista Network).

        si ruth at si picket po ay iisa, hehe.

        salamat pong muli.

        ruth/picketluna

  13. Lubos akong nagagalak at nagpapasamat sa iyo at isinama mo ako sa iyong Blog Sari-sari.
    Mabuhay ka!, at ganoon din sa ating mga kababayan.

  14. Sir, nais ko pong makakuha saiyo ng mga komentaryo tungkol po sa aking mga sinulat sa wikang Filipino. Narito po an iilang kong blog sites na maaari po ninyong mabisita:

    http://bicolanoessaysandpoetry.blogspot.com/
    http://mgatulangbuhayatbp.blogspot.com/
    http://mgakuwentongpagibig.blogspot.com/

    Salamat po.

    • Hindi ako basta-basta nagbibigay ng komentaryo sa mga tula at katha ng kung sino-sinong manunulat, Gil. Kung may maiibigan ako sa iyong mga akda’y maaasahan mo ang matapat at mabigat kong pagtatasa. Salamat sa pagdalaw sa Alimbukad.

    • pahingi naman po ako ng kahit anong akdang naglalaman po ng mga idyomatikong pahayag..kailangan ko lamang po sa aking pakitang turo..Maraming salamat PO..

      • Marami kang matutunghayan dito sa Alimbukad na mga idyomatikong pahayag, at maibibilang dito ang mismong talakay sa mga idyoma. Mamili ka na lamang kung ano ang makatutulong sa iyo.

  15. Nais ko sanang tanungin: Tagalista ho ba kayó, Ginoóng Almario?

    • Hindi ko alam kung sinasadya mong mang-asar o manlibak o sadyang wala ka lang tiyagang magbasa. Hindi ako ang Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, at ang uri ng aking pagsusulat ay lumalampas sa usapin ng wikang Tagalog.

  16. Sir, bakit kayo naaasar kung napagkamalan kayo o tinawag na Sir Almario? Iba ba ang uri ng wikang Tagalog ni Sir Rio alma at ang paglagpas ninyo sa wikang Tagalog? ano po ang ibig ninyong sabihin, sa Filipino ba ang inyong sinusulat at limitado ang Tagalog?

  17. Ang ganda nang nyong talumpati

  18. Salamat sa iyong mga isinusulat nakakapagbukas talaga ng isipan at nakakapagpakonsensya sa aking hindi pagbibigay ng higit na pansin sa king lenggwahe na kinalakhan.
    Pipilitin kong mabasa lahat ng iyong mga isinulat para rin sa pagpapalawak at pagpapayaman pa ng mga salitang tagalog na sa akin ay parang pangdayuhan.
    Salamat muli, mabuhay po kayo.

  19. lubos ko pong naibigan ang inyong tulang eleksiyon mambo sa aklat ninyong liyab sa alaala

  20. Sir Bobby, magandang araw po…

    Hingi lang po sana ako ng mga paliwanag hinggil sa pagkaka iba at saan gagamitin ang mga salitang

    1. ng at nang
    2. daw at raw
    3.roon at doon
    4. at iba pang mga katulad nito.

    Salamat po

    Rey

  21. Magandang araw po .. nais ko lang po sanang magtanong kung nagbibigay kayo ng isang buod ng isang nobela, salamat po. . .kailangan lang po para sa aming proyekto. Maraming salamat !! ^_^

    • Marami na akong nobelang Tagalog na sinuri bukod sa binigyan ng buod. Hanapin mo na lamang dito sa Alimbukad ang mga dati kong kritika hinggil sa mga nobela.

  22. Sir Bob,

    kumusta ka na at iyong kalusugan. Hindi na tayo nagkakabalitaan. Nangungumusta lamang po at lagi kang mag-ingat. araw-araw akong nagbabasa dito. parang di kumpleto araw ko kaapg di nadadaan dito sa alimbukad.

    -kiko-

    • Okay naman ako Kiko. Hinihintay ko ang bago mong koleksiyon ng mga tula. Magpatuloy ka sa pagsusulat, magpakahusay, at magpakadakila.

      • Ang ganda at lubhang kahanga- hanga ang inyong mga akda..Isang yaman ito sa paglago ng panitikang Filipino…

  23. Sir Bob,

    May mga kuha akong larawan ninyo noong nakalipas na pagpupulong sa UST. Saan email ko po pwdeng ipadala sa inyo.

    Rey

    • Puwede mong ipadala sa alimbukad [at] yahoo dot com, gaya makikita sa gilid ng pahinang ito. Maraming salamat, Rey.

  24. Muli pareng Manny ito ng Lopez, Quezon sana nabasa mo ang aking maakling mensahe…..

    Mhoney

    • Salamat, pareng Mhoney. Sana’y magkita tayo sa mga darating na araw.

  25. Kasamang Bobby,
    Isang Malayang Umaga sa iyo, maraming taon, araw at oras na ang lumipas…maraming pagbabago ang naganap sa ating buhay, ngunit ang pagkakaibigan ay nandoon pa rin hindi malilimutang mga nagdaang pangyayari, masalimuot ngunit makatotohanan ang bawat isa sa atin…sana magtagpo ang landas natin isang araw sa buwan ng Agosto ….ikaw na ang magtakda ng araw at oras at kailan para sa isang muling pagkikita…nasa pangalawang taon na nga pala sa Kolehiyo ang inaanak mo enhinyero sibil ang kursong kinukuha nya sa PUP (Venice Ellaine)…Ipaabot mo na lang ang pangungumusta ng pamilyang Villafuerte kay mareng Beth at siyempre sa dalawa mong anak..(dalawa nga ba?)

    Ka-Mhoney

    • Marami na akong utang sa aking inaanak, at asahang mong babawi ako balang araw. At inaasahan ko ang ating muling pagkikita, pareng Mhoney.

  26. Magandang araw,

    Malungkot kong ibanabalita na pumanaw na ang aming Nanay Tina noong Huly 29 sa Exodusville sa Angono Rizal. Maayos naman naming inihatid sa huling hantungan ang kanyang labi….

    Sana isang araw mag krus ang ating landas sa iang payak na kumustahan….

    Muli,

    Kasamang Mhoney

    • Nakikiramay at nakikidalamhati kami sa pagpanaw ng iyong mahal na Nanay Tina. Asahan mo, at magkikita tayo sa lalong madaling panahon.

  27. Maraming salamat…Patuloy ang buhay…ganyan talaga kailangan harapin at tanggapin ang kalungkutan. Tuloy ang buhay, tagapag-alaga ng mga estudyante..ika nga’y taong-bahay. Kasi walang hanapbuhay….Si Volet kasi ang kumakayod ngayon, ako’y pasimple-simple lang para kumita. Mahirap na walang maiwan sa bahay. Daming responsibilidad at dapat isakripisyo… Sana nga’y magkita tayo para naman mabago kahit papaano ang routine ng buhay ko. Memorize ko na kasi eh..hehehehehehe… Maraming kwento after 20 long years…. Pero ang nakilala mong Mhoney ay Mhoney pa rin..walang nabago kundi ung edad ko lang…. Malapit na naman ang halalan ng pambarangay…siyempre lalaban ako bilang kagawad ng bayan…. Gawan mo nga ako pare ng talumpati na kakaiba sa traditional politician… Kumusta na ang pamilya…

    Muli,
    Kasamang Mhoney

    • Huwag kang mag-alala at dadalawin kita minsan diyan sa bahay ninyo. At tutulungan kita kahit man lang sa pagsulat ng talumpati. Ikumusta mo ako kina Volet at sa mga anak mo. Isang tagay, pare!

  28. Pre,

    Ito lang ang libangan ko paggabi…mag browse ng computer… Nakakainip pero wala akong choice kundi gawin ang nararapat…mahirap na walang maiiwan sa bahay sobrang dami ng gawain…

    Mhoney

  29. Gud Am,
    Pre, kelan kaya magtatagpo ang ating landas…sana punta ka dito sa B-day ko Nov. 4 un….At piyesta naman dito sa October 7….. kung meron kang time..
    Musta sa buong pamilya kay mareng beth…
    Pareng Leunamme…

    • Pupunta ako sa inyo sa Nobyembre 4. At kung makalilibre ay pupunta rin sa Oktubre 7. Isang tagay!

  30. Magandang umaga,

    Pare aasahan ko ang iyong pagdating……
    Mabuhay ang inyong pamilya….tuloy ba ang concert ng iyong anak sa December 4…..sana makapanood ako….

    Palagi,
    Kasamang Mhoney

    • Tuloy ang punta ko sa inyo sa Angono. At matutuloy din ang konsiyerto ng aking anak. Sana ay makapanood kayo, dahil magagaling ang magtatanghal!

  31. Gud PM,

    Pre wala ako sa Angono, dito na akosa Lopez, Quezon. Pumunta lang ako ng Angono dahil don inilibing ang nanay ko, kaya nandito na ako sa Quezon Province, dito nag-aaral ang mga anak ko….malayo no…sana makapunta ka dito…. Kumusta ang buong pamilya.. God Bless to the whole family…

    ditto…..Mhoney

  32. Ikumusta mo naman ako kay Ninong Joe….

  33. Ser Bob, kaisa mo ako sa tagumpay ng konsiyerto nina Amansinaya. Maaari ko bang ikawing sa FB ang artikulo mo hinggil sa konsyerto? pareserb po ng dalawang ticket.
    Patuloy po ako sa paghuli ng mga Liyab sa Alaala gaya ng nabanggit mo sa akin. Mabuhay ka!

    • Pakikawing, Gleen, sa FB mo ang artikulo. Maraming salamat, at aasahan ko ang iyong pagdalo!

  34. Sir Bob, ang husay ng inyong mga salin.
    Inaasahan ko pa ang mga susunod na tulang naisalin mo sa Filipino.
    Maitanong ko lang po: Iyong sa “AWIT NG SUGAT” tula ni Farrokh Tamimi, yung pagamit mo ng bullet (●) sa pagitan ng ika 7 linya at 8 linya, na naghahati rin sa saknongan ng tula. Ano po ang pakahulugan nun sa editing o sa sining ng translation?
    Maraming salamat, Good Day!

    • May bullet o tuldok sa pagitan ng mga saknong kahit sa orihinal, at ito ang nagbubukod sa diwain ng tula.

  35. sir bob! maligayang bati po sa pagiging bagong hirang na direktor heneral ng komisyon sa wikang filipino! nasa kamay na ninyo ang kinabukasan ng wikang filipino! ito na ang simula ng tuwid na daan hehehehe. mabuhay po kayo!

    • Salamat, Ei, at simula pa lamang ito ng mahabang pakikipagsapalaran para sa ikasusulong ng wikang Filipino at kapakanan ng mga Filipino.

  36. Ser bob, naunawaan ko na po. maraming salamat.
    Siya nga pala, Pagbati sa iyo bilang bagong hirang na Direktor Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nabalitaan ko po sa isang news article. Mabuhay ka!

    • Salamat, Glenn, at tulungan ninyo ako sa bagong yugto ng KWF.

  37. Ser, kaisa mo ako sa mga layunin at proyetong tatahakin mo. Tagay, Mabuhay ka!

  38. ser, napadaan (ulit). salamat.

  39. pangarap ko pa ring masuri ang mga tula ko ngayon ng isang tarikan at oragon.

    • Humanda ka, at matutupad ang iyong hiling.

      • di ka na mabiro sir bob, natakot ako bigla

  40. bok… Merry x mas and big bang!!! NEW YEAR to the Family circle……

    Kasamang Mhoney

    • Malipayon nga Paskuwa at mauswagon nga Bag-ong Tuig sa inyong tanan!
      Ang pagbati nawang ito’y magdulot sa iyo ng ibayong biyaya, suwerte, lakas, at pagnanalig na kakailanganin mo sa pagkamit ng mga pangarap.

      Isang tagay, Mhoney!

  41. Salamat…. sana matuloy isang araw ang ating landas… malapit na……

    Laging kasama…. MHONEY

  42. Ginoong Añonuevo! Napadalaw po ako ulit. At naPepressure po akong magFilipino. Haha. Anyway, TagLish na lang po, kung okay lang. May dalawa po akong katanungan:

    1. NaBase po akong magtrabaho sa isang lalawigan sa Visayas noong nakaraang buwan. At napansin ko po na hirap na hirap silang magFilipino. May asignaturang Filipino naman po sila pero mukhang “walang talab” sa kanila. May kakilala nga po ako na 3rd college na, tapos hindi niya ako makausap maliban na lang kung mag-initiate akong magsalita gamit ang kanilang native language. Hakbangin po ba ng gobyerno na mapalaganap ang wikang Filipino sa buong bansa? Paano po nito mababalanse ang kanilang interes upang pagyamanin din ang kanilang sariling language?

    2. Pangalawa po, may mga naririnig akong mga “bagong” salitang Filipino na salin mula sa Inggles. Halimbawa na lang po dito sa WordPress. “Sulatroniko” para sa “email”, “pook-sapot” para sa “website”, etc. May bendisyon po ba ito ng Komisyon sa Wikang Filipino? Paano po napapalaganap ang mga bagong salitang ito?

    Salamat po!

    • Nakabatay sa Saligang Batas ang pagpapalaganap ng Filipino saanmang panig ng Filipinas, at ito ang tungkulin ng ahensiyang gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang pagpapayaman sa Filipino ay kaugnay at kasabay ng paglilinang ng iba pang wikang panrehiyon. Habang ginagamit ang Filipino ay dapat patuloy na kinakasangkapan din ang mga wikang panrehiyon dahil mamamatay ang mga ito kung hindi gagamitin.

      Walang basbas ng KWF ang mga salin dito sa WordPress. Kusa ko itong ginawa, dangan lamang at may ilang tao na hindi yata matanggap ang aking salin kaya ibinabalik sa Ingles ang aking nasimulan. Ginamit sa “sulatroniko” ang teknik ng pagtitipil, at bagaman bagong salita ay madaling maunawaan ng kung sino man. Samantala, ang “pook-sapot” ay ginagamit hindi lamang sa WordPress, kundi maging sa iba pang pook na gaya ng WikiFilipino.

      Patuloy na lumaganap ang mga salitang ito dahil may gumagamit. Kung sakali’t makapag-ambag ka ng mga salitang maaaring maipasok sa korpus ng wikang Filipino ay lalong makabubuti sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa.

  43. Isang malayang araw sa buong pamilya Añonuevo lalung-lalo na sa’yo pareng Bobby… Sana’y isang araw tayo’y magkrus ang landas para sa isang kamustahan…nasan na ba tayo…ang alam ko napakalayo mo na….mahirap matukyan kung saang dako hahanapin samantalang ako isang tuldok lang sa kompyuter makikita mo na ang iyong kumpareng may payak na pamumuhay dito sa lalawigan ng Quezon….walang nabago sa pamumuhay….ngunit biyaya ang anim na mga supling nasa ngayon ay pawang malalaki na at siguro sa mga darating na panahon ay magkakaroon na rin ng kani-kanilang buhay…Muli kumusta ang buong pamilya….

    • Kumusta sa pamilya mo, Mhoney, at pagpalain ka nawa sa iyong mga ginagawa.

  44. magandang araw po. salamat po sa mga impormasyon. saan po ako makahahanap ng mga artikulo tungkol sa mga nailathala ng mga diksyunaryo, antolohiya, atbp ng KWF? maraming salamat po

    • Dumalaw ka sa KWF at magsaliksik doon. Tingnan mo rin ang websayt ng KWF at matutunghayan mo roon ang mga inilathala hinggil sa diksiyonaryo at antolohiya.

  45. Isang magandang araw sa Ginoo na hingahangaan…

    Isang mabuting kaibigan mula sa KWF ang nagdala sa akin sa iyong pahina,.

    Natuwa at namangha,
    Nakaisip ng isang tula,
    Tulang kaiga-igaya,
    Sa isip nagpapaligaya…

    Inaanyayahan po kitang suriin ang aking pahina at ang inyong mga payo ay tiyak na lalong makakapagpadaldal sa aking Bolpen na taglay…

    • Hayaan mo at dadalawin ko ang iyong blog at titingnan ko kung karapat-dapat suriin.

      • Hello sir! I am so happy to receive a response from you.

        I will send you the links po kasi I have 400 posts already…

        Para di po kayo mahirapan…

        I am planning to make a booklet of the good poems..

        I want to know if I am doing it right, based on the opinion of an expert.

        Maraming salamat po!

      • MARAMING SALAMAT PO…mula sa isang tagahanga 🙂

  46. musta po sir Bobby. Miss ko na ang huntahan natin nila Tata.

    • Magpalamig muna tayo pag may pagkakataon, at dakilain si San Miguel.

  47. Ginoo,

    ang iyong pagdalaw
    ay wari magbibigay tanglaw
    sa aking tila uhaw na mga palahaw

    aabangan ko po ang iyong silaw
    bago pa ang lahat-lahat ay mauwi sa pagkabahaw.

    gandang gabi po Ginoo.

    isang paanyaya;
    http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/08/29/kapares-na-tsinelas-the-other-slipper/

    • Salamat, at isang tagay sa iyo.

      • salamat naway matagayan mo ang aking mga paboritong katha, mga kathang patula na aking mga inilatha. gandang umagang tagayan.

  48. Magandang araw… Musta na pare dito pa rin me sa Quezon Kagawad na ng Barangay by appointment…muzta na pasyal ka naman isang ara dito sa Quezon dito pa rin…09086040692 ang cel no. ko txt naman tayo..Muzta sa na lang sa buong pamilya…Okay naman kami ung inaanak mo 4th year college na mamamasko daw hehehehe….

    • Kongrats, at dadalawin kita minsan.

  49. Ginoong Bobby pakidalaw na din po ang aking blog at kung maari iwanan po sana ninyo ako ng inyong pagpuna. Isasapuso ko po lahat ng inyong sasabihin kahit ito man po ay punang ukol sa hindi ninyo pagkagusto ng aking naisulat na tula. Ito po ang aking blog:
    http://panitiknijemar.blogspot.it/2010/06/kadena-de-amor.html

  50. Pagbati sa iyo, ginoo, mula sa isang kamanlalakbay sa matuwid na daan. Ngayon ko lamang natunghayan ang alimbukad. Ngayon lamang ako nagising sa mahiwagang daigdig ng sariling wika. Bilang isang retiradong hukom mula sa Hukumang Pangrehiyon ng Bulakan, at ngayon ay isa ring propesor ng batas sa Bulakan State University, ako po ay di makaiwas tumugon sa udyok na magsuri, magsaliksik at umaksyon sa isyu ng plagiarismo at malikhaing pagnanakaw. Ito ay isang isyu na laganap ngayon hindi lamang sa mga aklat na ginagamit sa mga paaralan, kundi pati na rin sa mga talumpati ng mga kagalang-galang na opisyal at pinuno ng pinakamakapangyarihan at pinakamarangyang institusyon ng negosyo at pulitika sa bansa, gayon din sa mga dinidiyos na mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO !!!

  51. Napakahusay po ng mga artikulo na nakalatha sa alimbukad.com kaya po nais ko pong humingi ng payo/kritik ukol sa aming thesis. Ako po ay isang mag- aaral na nasa ikatlong antas na nagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino. Sa aking pagdalaw sa inyong blog marami po akong natutunan tungkol sa aking Wika. Maraming salamat po. Mabuhay po ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Bansang Pilipinas!

    • Nagbibigay ako ng libreng kritika kung kayo ay kabilang uring anakpawis. Ngunit mataas ang aking singil sa sinumang maykaya.

  52. gandang hapon po sir. gusto ko po sanang bumili ng kopya ng pangasinan orto. pwede po kaya?

    • Kung para sa iyo ay libre na ang kopya, sa aking pagkakaalam.

  53. Natagpuan ko lang ang blog mo, at nais kong magpasalamat sa ginagawa mo dito. Bihira lang kasi ang mga nakalagay sa internet na halos purong Tagalog. Dayuhan ako, at natuto ko ang wika ninyo noong tumira ako sa Pilipinas. Pero higit na sa dalawmpung taon ang lumipas na wala ako roon, at wala naman akong kausap dito na marunong mag-Tagalog. Ayokong malimutan ang wikang ito, kaya naghahanap ako ng mga Tagalog na babasahin at panonoorin upang mapanatili ang karunungan ko. Pasinsiya ka na lang sa akin kung meron mga kamalian ang Tagalog ko.

    • Walang anuman, Steven, at kahanga-hanga ang gaya mo na marunong sa mag-Tagalog at dinaig mo ang higit na maraming Filipino na malayo sa kanilang hinagap ang sariling wika.

  54. Magandang araw Ginoong Robert:
    Nais ko lamang po ipabatid ang aking marubdob na paghanga sa inyo at sa inyong mga likha. Kayo po ang aming inspirasyon ng aming paaralan upang kami po ay makapagsimula sa aming pahayagang pangkampus. Kung di po ninyo naitatanong, ang ngalan po ng aming pahayagang pangkampus ay hinalaw namin dito sa inyong pitak. Ipagpatawad po ninyo kung ito’y ginamit namin ng walang paalam sa inyo. Ito ay dahil lamang po sa malabis na paghanga namin sa inyo, higit po lalo ako bilang tagapayo ng nasabing pahayagan at guro sa filipino. Kayo ang aking isa sa naging inspirasyon noong nasa panahon ako ng pagsusunog ng kilay. At ngayong ngang guro na ako, ang pitak ninyong ito ang masidhi kong inirerekomenda sa aking mga mag-aaral para pagkuhanan ng mga mahuhusay na panitikang pilipino. Ikinagagalak ko din pong sabihin na lahat ng natutunan ko dito sa inyong pitak ay buong giting ko pong ibinabahagi sa aking mga mag-aaral. Maraming salamat po. At nawa po patuloy pa kayong pagpalain ng ating Amang Lumikha.:-)

    • Walang anuman, Sam, at maraming salamat din sa inyong lahat.

  55. Akin po ang karangalan Ginoo..salamat po sa pagbibigay ng tugon sa aking liham. At sa pagsagot doon sa isa pa, ako din po yung nanghingi ng payo kung papaano ko pa mapaghuhusay ang aking mga mag-aaral na manunulat. Sa katunayan, sa labis kong kasiyahan,iprinint ko pa ang iyong mga katugunan sa akin at akin itong ipinagmalaki sa aking mga mag-aaral..Maraming salamat po..Dalangin ko po ang lalo pa ninyong pag-unlad at ang inyong kaligtasan..At sa mas ikayayabong pa ng ating pambansang wika..;-)

  56. Ginoo, maaari po bang makabili(online) ng kalipunan ng mga tula niyo?Salamat po!

    • Sa Ateneo University Press at UST Publishing House mabibili ang aking mga libro. Doon ka na lamang umorder. Salamat!

      • Nais ko po sana na kalakip ng libro ang inyong lagda. Mabuhay po kayo!

      • Walang problema, at lalagda ako ngunit hindi ko alam kung saan ipadadala.

  57. Kamusta po aking mga kababayan gusto ko lang pong ipaalam sa inyo ng gusto ko pong magaling sa pag-aaral matuturuan nyo po ba ako?

    • Hindi na libre ngayon ang magpaturo, lalo sa Filipino, dahil walang tumutulong sa Filipino.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: