Si Virgilio S. Almario ang bagong KWF Chairman

Inihayag ng Tanggapan ng Republika ng Filipinas na si National Artist Virgilio S. Almario ang bagong Punong Komisyoner at kinatawan ng wikang Tagalog ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Jan 27 (6 of 21)

Si National Artist Virgilio S. Almario (na itinalaga ni Pang. Benigno S. Aquino III na gumanap na Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino) na nanumpa sa harap ni Kgg. Hukom Fernando T. Sagun Jr.

Itinalaga ring mga bagong komisyoner sina Purificacion G. Delima (wikang Ilokano), Jerry B. Gracio (Samar-Leyte), Abdon Balde Jr (Bikol), Noriam Hajilin Ladjagais (Mga wika ng Muslim Mindanao), Orlando B. Magno (Sebwano), at Jimmy Balud Fong (Mga wika ng Kahilagaang Pamayanang Pangkultura).

Makakasama ng mga nasabing komisyoner ang iba pang komisyoner na sina Lorna Enderes-Flores (Mga wika sa Katimugang Pamayanang Pangkultura), Lucena P. Samson (Kapampangan), John E. Barrios (Hiligaynon), at Ma. Crisanta N. Flores (Pangasinan).

9 Tugon

  1. pagbati kay rio alma. sana ay simula na ito ng pagbabago.

    • Matutupad ang iyong hiling.

  2. may ilan akong books nya at nakakatuwa ang paraan niya ng pagsasalin ng wika sa English at Filipino.

    Salamat sa post mo na ito, ngayon ko lang nalaman na may ganito.

    Mabuhay!

    • Salamat, Hoshi!

  3. […] Basahin ang iba pang balita tungkol sa bagong opisyal sa KWF sa alimbukad.com. […]

  4. mabuti naman po at bago na ang punong komisyoner ng KWF at sana ay mapalitan na rin ang lahat ng mga taohan ng KWF na tila wala namang ginagawa upang maakilala sa madla ang kahalagahan ng wikang pambansa

  5. he he he si sir Roberto Anonuevo naman isinama pa picture ko sa blog niya nagpost pa naman ako tapos andon pala ako sa blog mo sa totoo lang taga media ako columnist & broadcaster kaya wala ako alam na peke pala papel ni Pauline Chiong dahil yon ang pakilala sa akin ng taga KWF dahil taga kwf ang nagpakilala sa kanya natural lang na ipapakilala ko sa madla na siya ang Consultant ng KWF nilayasan ko nga nang mapansin ko na kapag nasa KWF ako ay mga nakasimangot sa akin ang ibang taga KWF yong mga nakikinabang sa pera niya kaya nilayasan ko dahil alko hindi ako maghahabol sa pera niya trabaho lang ang ginagawa ko.

  6. sana sa pagkakatalaga ni G. Virgilio Almario ay muling bumalik ang sigla ng wikang Filipino…. bilang guro sa asignaturang Filipino ay nakalulungkot ang unti-unting pagwawalang-bahala sa ating sariling wika… tanggapin natin ang katotohanan na naging mabagal ang pag-usad ng ating wika sa mga nakaraang taon dahil sa kakulangan ng mga programa at gawain na makapagpapatingkad at makapagpapaunlad sa ating wika…. nawa’y ang pagpapalit ng pamunuan ay maging hudyat ng panunumbalik ng maalab na pagpapahalaga ng bawat Pilipino sa ating sariling wika….
    Maraming salamat po…
    MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO! MABUHAY ANG MGA GURO AT DALUBHASA NA WALANG TIGIL SA PAKIKIPAGLABAN UPANG MAS LALONG MAPAUNLAD ANG ATING WIKA!

    • Asahan po ninyo na magaganap ang makabuluhang pagbabago lalo kung may kaugnayan sa wika.

      Isang tagay po, para sa mga guro! Mabuhay kayo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: