Lutong Makaw

Hindi resiping pinasikat ni Chef Pablo Boy Logro ang “lutong makaw,” ngunit lumutang muli ang salita sa nakalipas na 2012 Philippine International Guitar Festival and Competition, na ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Tumutukoy ang “lutong makaw” sa di-patas na pagtrato sa anumang timpalak o paligsahan, at ang nagwawagi ay nababatikan dahil sa pagkiling ng reperi o hurado.

Ipinapahiwatig ng “lutong makaw” ang banyagang deliberasyon, na hinuhusgahan ang isang kalahok bago pa man siya sumabak sa pakikipagtunggali sa mga kalaban. Ang resulta ng kompetisyon ay tapos na, wika nga, bago pa magsimula, at ito ay ipinapahiwatig ng lugar na “Macao.” Bagaman hindi nais pulaan ang Macao bilang isang newtral na lugar, ang pagbanggit sa Macao ay maituturing na sentro ng kutsabahan na may hagod ng panlilinlang, na parang hinugot sa kasaysayan, at kumbaga sa sugal ay idinadaan sa bilis ng kamay na lumilikha ng malikmata sa panig ng mga kalahok at kasapakat na patron.

Masakit, kung gayon, na matalo sa patimpalak o paligsahan, dahil ang paghihirap ng kalahok ay hindi nahuhusgahan batay sa itinakdang mataas na pamantayan ng sining at sensibilidad, bagkus alinsunod sa kapabayaan kung hindi man prehuwisyo ng hurado. Ngunit higit pa rito, sumusugat sa nagwagi ang kaniyang tropeo at medalya, sapagkat kabuntot niyon ang kahihiyan o pagkapahiya dahil sa paniniwala o pakiramdam na hindi naman siya ang karapat-dapat magwagi.

Binanggit ko ang “lutong makaw” dahil lumilitaw ngayon ang isa pang salita: “lutong Diliman.” Maituturing na varyant ang “lutong Diliman,” na ang tiyak na pahiwatig ay di-patas na paghuhusga sa mga paligsahan sa pagtugtog ng gitara. Sa Filipinas, dalawa o tatlong unibersidad lamang ang nagbabakbakan sa larangan ng pagtugtog ng gitarang klasiko: Unibersidad ng Santo Tomas (UST), Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UP), at Philippine Women’s University (PWU). Sa tatlong unibersidad na ito, maituturing na numero uno ang UST sa ilalim ng pangangasiwa ni Prof. Ruben Reyes, samantalang pumapangalawa ang UP sa pangangasiwa ni Lester Demetillo, at pumapangatlo ang PWU sa pangangasiwa noon ni Jose Valdez na may ugat din sa UP. Dahil sa pangyayaring ito, hindi maiiwasang magkopong-kopong ang mga gitaristang kabataan, na parang pagsasabong ng Ateneo at La Salle, o bakbakang Pacquiao vs. Mayweather, at kung sino sa kanila si Ruben o si Lester ay malaya ang madla na manghula.

Lumikha ng maraming kaaway ang bigating si Ruben—sa literal man o matalinghagang paraan—dahil ang kaniyang pamumuna ay nagmumula sa pananaw ng taga sa panahong kritiko ng musika at bilang maestrong manunugtog ng gitara. Malalim ang pagkaunawa sa teorya at praktika ng musika, si Ruben ay hindi nangingiming umubo at humilik kapag masaklap tumugtog ang gitarista, humahagikgik na tila maskot ng Jollibee kapag nagwawala ang mga orkesta, at hindi mapipigil ang dila na magbitaw ng komentaryo na ikalulugami ng kahit establisadong gitarista at konduktor. Alam kong itatanggi ni Ruben, pero hindi na siya umano naniniwala sa mga kompetisyon sa gitara dahil sa epekto ng “lutong Diliman.”

Kahanga-hanga ang listahan ng mga pangalan ng gitaristang tinuruan ni Ruben, at marahil walang itulak-kabigin sa kaniyang mga estudyante na maisasabak sa tugtugan anuman ang panahon. Ngunit nagmumula rin kay Ruben ang isang kabatiran: ang musika ay hindi para sa timpalak bagkus para kalugurán ng madla. Si Arthur Erskine Basilio ang sumusunod sa yapak ni Ruben, at kung hindi marahil sa lutong Diliman ay nagpapatoma na marahil si Erskine sa España at nagpapakalunod sa serbesa. Ginawaran bilang “Pinakamahusay na Gitaristang Filipino” si Erskine noong 2011 PIGF, ngunit para sa akin ay walang nasyonalidad ang pagiging musiko, at siya ang isinisigaw na dapat magwagi ng unang gantimpala.

Mauulit ang pangyayari sa ipinapalagay na lutong Diliman nang matalo si Homer Bravo Cabansag sa 2012 PIGF. Si Cabansag, na nagtapos sa UST at ginabayan ni Ruben, ay mahimalang natalo sa kompetisyon at ni walang natanggap na parangal sa mga huradong kinukutya ng ibang manonood na kung hindi bingi at bulag ay sadyang mababaw ang panlasa sa pagsusuri ng mga kalahok. Si Cabansag ang pangwalo at pangwakas na tumugtog sa mga kalahok, at marahil nakatulog siya sa pakikinig sa mga kasamang kalahok. Ngunit siya man ang pangwakas, si Cabansag ay pinatunayan ang malalim na pagkaunawa at pambihirang pagdulog sa komposisyon ni Napoleon Coste atbp.

Nagtataka lamang ako na bago pa man ibigay ang premyo sa mga nagwagi (na mga primera klaseng gitara na likha nina Yuichi Imai, Neris Gonzalez, at Tabo Derecho), ang isang hurado ay halos humingi ng paumanhin sa publiko dahil aniya’y nagkakamali rin kahit ang mga hurado. Pinayuhan din niya ang mga kalahok na kabataan na magpatuloy sa pagtugtog, at matalo man ay huwag indahin iyon nang lalong mamukadkad ang kani-kaniyang talento. Kapuri-puri ang winikang ito ng hurado, ngunit para sa akin, may sapat na panahon ang mga hurado upang timbangin ang kalakasan at kahinaan ng bawat kalahok. Wala akong pakialam kung mag-away, magsuntukan, o magtalo-talo nang abot-langit ang mga hurado dahil iyon talaga ang kanilang tungkulin at doon sila binabayaran. Kinakailangang maipagtanggol ng isang hurado ang kaniyang pasiya, alinsunod sa matalinong pagdulog at hindi dapat manaig ang pampolitika’t pangnegosyong anggi na magmumula kina Tony Boy Cojuangco, Tony Yu, at Jose Valdez.

Ang bulaklak ng dilang “lutong Diliman” ay huwag nawang makarating sa España at bumatik sa mga gitarista ng UST. Matalo man sila sa mga paligsahan ay hindi mahalaga; ang higit na mahalaga ay makapagtanghal sa harap ng madla na gumugol ng salapi at panahon at pawang nagmamahal sa musika. Matagal na umanong iniinda ng UST ang deskriminasyon, ito ang nasasagap ko sa aking mga bubuwit, at dapat nang wakasan ngayon at sa hinaharap. Pero bahagi ng buhay kahit ang gayong kalagayan dahil ang musika ay nagtatakda ng kumbensiyong mahirap ipaling o ilihis ang landas. Sa ngayon, hindi naman marahil kalabisan kung imungkahing palitan ang lahat ng hurado sa 2012 Philippine International Guitar Festival and Competition, at magsuri ng sarili ang Guitar Friends para sa kinabukasan ng musika sa Filipinas. Maaaring ako’y nagkakamali, at mapapabulaanan ninyo, gaya lamang ng pagkakamali ng Lupon ng mga Hurado.

28 Tugon

  1. Hmm, I think we should all just practice good sportsmanship and next time hopefully do something to prevent such an issue. For now, we should just accept it because it’s done… There’s no use in bickering and making people fight. There are enough fights… maybe we all need to see each other eye to eye. Discuss, assign representatives, and just work together. We shouldn’t fight, we should work together to make the guitar scene here in the Philippines better. I think we should just move on and improve next time. Peace. No more bitter feelings. We’re not politicians, we’re musicians.. so let’s just keep practicing and sharing our music. I love you all. I hope things will get better. Love love love.🙂

    • Why rate down?😦 Someone who is truly, truly, truly bitter. I will hug you.

  2. Bilang isa po sa daan-daang tao na nakasaksi ng nasabing Festival, ako po ay naligayahan at humanga sa aking mga narinig at lalong ipinagmalaki ang lahi ko. Hindi po ako musikero at maaaring husgahan ninyo na walang kaalam-alam sa mundong iniikutan niyo ngunit sa akin pong pananaw, sa mga ganitong pagkakataon alam ko po na iisa tayo. Pilipinas ang namukadkad sa Festival na ito. Espaňa man o Dilman o maging sa Taft pa yan, puso ko, puso ng bawat Pilipino, kami ay naligayahan at sabi niyo nga iyon ang kahalagahan ng nasabing kaganapan. Lalo pa po natin sanang itaguyod ang lahing Pilipino, maging mabuting ehemplo, hindi lang dito pati na rin sa buong mundo, patunayan natin na iisa tayo. Ayon nga sa isang awit noong ako ay bata pa: Isang Lahi, Isang Musika.

  3. hahahaha pilipinong pilipino. Pag natalo ang kinakampihan luto. hahaha lalim mo mag salita ang babaw mo naman mag isip

    • Ang lakas ng loob mong magkomentaryo pero hindi mo naman masabi kung ano ang pangalan mo. Kung hindi iyan kaduwagan, marahil kasapakat ka sa pista ng makaw.

  4. You know what, good thing we have these competitions. Good thing we have this exposure. We should at least be thankful to the guitar friends. They give us so much but we repay them with this. I know people are entitled to their own points of views, but you as a public figure in writing should at least try not to be so biased and close minded. You should be more informed. Have you spoken to any guitar friend? had lunch with them? They are such nice people. You probably just spoke with Sir Ruben or UST people who are all sad. And what are these “negotiations” that you speak of? You know nothing. You don’t know that the guitar friends just love guitar so much that they work hard to make these festivals possible. FYI they don’t get profit from these activities. All those sponsors you see on the tarps are all from their own companies! They are good people. Your words are so hurtful to them. Maybe you can’t really imagine or put yourself in their shoes. FYI the guitar friends also supported UST guitar activities.

    You are an observer, you have no idea what goes on inside except the silly gossip that you and your friends talk about. Although you’ve delivered your piece in such a lovely way, the content is trash. You must know your facts. All you know are assumptions.

    Guitarists who read this, let us not be disillusioned by such angry words. Let’s just keep playing.

    • Nakapagtataka lang na lumabas na agad ang mga nagwagi kahit wala pang opisyal na pahayag mula sa Lupon ng mga Hurado. Kung bakit nangyari ito ay isang kababalaghan. Ito ba ay tsismis? Bakit hindi imbestigahan ng Guitar Friends? Ang musika ay hindi lamang kopong-kopong.

      Gaya ng nasabi ko na, sa teknikalidad ay dapat hindi nagwagi ang nagkamit ng unang gantimpala. Ngunit higit pa rito, kinakailangan niya ang ibayong ensayo mula sa gabay ng isang tarikan at maestrong gitarista na gaya ni Ruben.

  5. hindi diskriminasyon un tsong. Ang tawag dyan katotohanan. Go Uste tangapin mo na lang na ang iba ay mas magaling sa iba sa araw nila. At pustahan tayo hindi mo aaprove tong comment nato dahil alam mong mali at bias ka lang.

    • Sa susunod, magkalakas ka ng loob na magpakilala. Wala ka bang pangalan at bayag para magpahayag ng makatwirang opinyon? Nagtatanong lang.

  6. I know you’re sad about your kid and all… but this is really bad. I hope your conscience gets to you. You’re actually being a over protective stage father. I though moms are the ones supposed t be crazy.. but apparently fathers can get just as frisky. This is my last comment.. I know it’s not going to be approved anyway because you filter them. hehe Para walang bad comments. haha Oh yeah did you knkow Ruben has a sexual harassment case? And when he entered the stage in ccp, all your fellows applauded and cheered for him? Grosss. Kawawa yung victim niya. Everyone is ganging up on her. tsk tsk. You’ve just identified yourself as the most self-righteous and ungrateful person in the whole guitar community. THE WHOLE GUITAR COMMUNITY HATES YOUR GUTS. Kawawa anak mo. You didn’t have to butt in… but you did.😦

    • Ang problema sa inyo, kapag nagkakalutuan sa mga timpalak, ay inililihis ninyo ang usapan. Bakit hindi ninyo masagot na ang nagkamit ng unang gantimpala ay lumabis sa oras ng pagtugtog at napakasagwa ng tugtog? Kung napalampas ito ng mga hurado, marahil ay kailangan nila ang magsalamin at magsuot ng hearing aid.

      Hinggil naman kay Ruben, ang anumang kaso na ibinatik sa kaniya ay dapat idinadaan sa proseso. Ngunit hindi nabigyan ng tumpak na pagdinig si Ruben. Kung anuman ang kaniyang kasalanan ay may kaugnayan iyon sa moralidad at hindi dapat ituon sa husay niya sa larangan ng musika at gitarang klasikal.

      Pinalakpakan si Ruben sa CCP dahil alam ng nakararami na siya ang primus inter pares sa mga gitarista na naroroon, at isama na ang mga hurado.

      Huwag mong idamay ang anak ko, dahil baka balang araw, siya naman ang dumanas ng lutong Diliman mula sa inyong hanay.

    • peace and love..tanong ko lamang po sa inyo kung ano ang kinalaman ng harassment case ni Mr.Reyes sa pag batikos mo sa argumento tungkol sa kumpetisyon?may kinalaman po ba ito sa husay ni Mr.Reyes sa larangan ng musika?o baka naman natutuyo lamang ang inyong utak at wala ng masabi?sino po pala nagsabi na THE WHOLE GUITAR COMMUNITY HATES Mr.Añonuevo?the whole?common?!pati si segovia hate si sir?haha!at sana po wag na kayo mang damay ng anak.siguro matandang binata/dalaga kayo na di pa nagkakaanak kaya may lakas kayo ng loob na mang damay ng bata..wala ng kinalaman mga sinasabi mo tungkol sa kumpetisyon,paninirang puri na lamang ang mga sinasabi mo.tama ba ako?

  7. Naging part ako ng GuitarFest. Alam ko ang isyung ito. Wala namang problema para sakin ang iyong artikulo. Ngunit parang masyado naman atang naging bida ang iyong mga karakter na mula sa UST. Wala po akong kinakampihang panig. Ngunit kapansin-pansin na pinalalabas mo naging kawawa si Cabansag at tila isang taong ina-alipusta sa isang palabas sa telebisyon..

    Ayoko ko nang pahabain pa ang aking mga sasabihin..

    Ito nalang ang huli kong hirit..

    Pakitanong nalang kay Mr. Ruben Reyes kung alam nya ang salitang “Lutong Manyak”.

    Salamat po.🙂

    • Argumentum ad hominem ka riyan, iho. Buksan mo ang iyong isip at iwan ang katangahan. Kapag nagharap muli si Franco Raymundo Maigue at si Homer Bravo Cabansag ay ilalampaso ni Homer si Franco. Pero hindi kailanman magwawagi rito sa Filipinas si Homer. Marahil ay nakatakda sa kaniya ang internasyonal na pagtatanghal.

  8. wala po akong pinapanigang partido pero nakakapag taka lang po na noong sinuri ko ang program notes ng mga nanalo ay..estudyante pala sila ng mga hukom.para po sa akin kahit hindi si mr.Cabansag ang nanalo.sa tingin ko padin na yung amerikano at german na competitors ay nabigyan ng premyo dahil sa husay sa pag tugtog dahil sa ibang sinalihan nila na contests sa labas ng bansa ay nagtamo sila ng naparaming awards.at matatalo lamang sila ng mga kung sinong di kagilagilalas.hahah!peace!

  9. Its better to improve the arguments laid on the table than to ask for a fist fight.
    To the one who’s bringing the sexual harassment case, do you even know what happened? You sound like the one who’s gossiping.

    But in much more intellectual and subjective sense, I know how UST Guitarists sound. And they have awed me in much more instances than the others.

    On the contrary, as a performer myself, I believe that the true meaning of competitions aren’t the trophies but the time and effort I’ve spent practicing my repertoire. It has to make me a better musician. Sure, prestige is nice, but it all boils down to the what it taught me and how it made me and as a musician. And I honestly don’t think Homer or the others cried upon on this kind of stuff.

    At kung luto man yun o hindi, that was what the jury agreed upon. They did it. Their positions allow them to make such decision – and if in our judgements, they are not the right people, I am sorry to tell but we just have to be the jury ourselves.

    Meanwhile, all we can do is make the most music out of it..

  10. Hello there.

    Since my husband is part of the UST guitar faculty, I was with the UST contingent as they had their routine after-concert inuman session. What I gathered was, the general consensus of those who watched the competition was not that Homer Cabansag should have won, but that Franco Maigue did not deserve first place. For one, he was not able to finish his piece within the time limit allotted for both rounds as he was stopped by the judges, and that should have been enough ground for disqualification or point deduction. How are the judges able to make a scoring based on an unfinished piece? How could someone who did not follow contest rules win first place, or even place at all? If there are exceptions to the rule, why impose a time limit if one can disregard such rule and still win? The students’ bet to win the competition based on their performance was either the American or the German–both of whom have won numerous 1st prizes in various international competitions according to the program–but neither got into the top 3.

    Also, everyone was in general agreement that Homer played better than the guy who won Best Filipino Guitarist. Homer’s performance was flawless, while the other guy’s playing was, as they said, ‘sabit-sabit.’ How can one win BEST Filipino Guitarist if another Filipino guitarist played better? I did not get to watch the competition, so I’d love for someone to enlighten me and tell me with all honesty that the other guy surely played better than Homer.

    I studied in UP. Despite being married to a Thomasian, I love UP down to my very core. In fact, I met my husband at the NAMCYA in 2005 because I was there to support my guitarist friend from UP. Some of the things UP has taught me was to be discerning, to be fair, and to question what does not seem right.

    This is already Franco’s second controversial win. My husband thinks that Monching Carpio (also from UP) should have won first place in the last NAMCYA, others think Homer should have won.

    I wonder if Franco can look people in the eye and say that he truly and without a doubt deserved his title and his new guitar. I wonder if that Best Filipino Guitarist winner can look Homer in the eye and say he did better. I’m leaning towards no.

    While my husband is willing to let this blog post slide, I am compelled to reply to clarify that the guys from UST are not saying Homer should have won. No. It’s that Franco and the other Filipino prizewinner did not deserve their brand-new titles. But they did win. And maybe that’s what the author (whom I don’t know, by the way, and neither do I know his son) is referring to as ‘Lutong Diliman.’

    Regards,

    Andrea Mesa

  11. Unang-una sa lahat..

    Napakagaling niyo pong magsulat Ginoong Anonuevo. Bravo! Sana po maging guro ko kayo sa Malikhaing Pagsulat.

    Pero..
    Sana po naaalala niyo rin na….
    Isa kang kilalang manunulat sa bansang Pilipinas, ang iyong mga salita ay impluwensyal at nakaaapekto sa kultura at pag-iisip ng mga tao..

    Sa tingin niyo po ba ay mayroong nagawang maganda ang pagpapahayag ng inyong opinyon sa madla?

    Malamang ang sagot niyo po ay “oo”

    Pero para sa akin..

    walang idudulot na maganda ang negatibismong pinairal mo sa post na ito.

    Ipinapakita mo sa post na ito ang kulturang matagal nang umiiral sa bansang ito. Ang hindi pagtanggap sa pagkatalo. Isa itong pangkaraniwang kaganapan sa bansa natin na kinakailangan nang mabura sa pag-uugali at kaisipan ng Pilipino. At hindi ko matanggap na isang tanyag na manunulat ang nagpapairal ng ganitong kabalbalan.

    Hindi ako marunong tumugtog ng gitara at hindi ko napanood ang kumpetisyon, pero nasaksihan ko ang huling concert sa festival. Natuwa akong makita na nagtipon-tipon ang mga gitarista mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Maynila upang ibahagi ang kanilang talento at gumawa ng Musika hindi para makipagkumpetensya sa isa’t isa kundi maging isang grupo na nagtutulungan sa pagtataguyod ng musikang klasikal sa bansa.
    Sa post mong ito, unti-unti mong sinisira ang ugnayan ng mga organisasyong naglalayong itaguyod ang pagtugtog ng klasikal na gitara.

    Naniniwala ako na sa bawat kumpetisyon, ang mga hurado ay may sariling panlasa at pamantayan. Wala akong pakialam kung sino man ang dapat na nanalo..Ngunit may pakialam ako sa ugaling ipinapalaganap mo at sa epekto nito sa Industriya ng Musika.

    Ikaw na ang magpasya kung ang iyong mga argumento ay nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan sa aspeto ng kultura at sining.

    Ipagpaumanhin niyo po ang aking gramatika, Ginoong Anonuevo.

  12. Attention: To all the guitarists who benefited from Sir Greg’s generosity, where are you when he needed you? Is this how you show your gratitude by just keeping quite while these hooligans take shot at him? There is something bigger than this competition and your egos put together- It is called mutual respect. Disrespectful people with pens and guitars should not in any way be called “ARTISTS”!

  13. Before learning your scales, free strokes, rest strokes, etc.you must learn how to respect people first.Intellectual arrogance is what caused all these nice folks to disrespect each other.

  14. Alam mo Bob, kung sa luto man o hindi yung nakaraan na kompetisyon ay wala akong pakialam.. pero kung tirahin mo ng pangkalahatan ang U.P na parang 2nd class citizen ay nakakainit ng ulo na parang bang hindi rin nangyari sa amin ito noon araw. Naalala ko tuloy noong dekada nobenta na nanahimik ang mga gitaristang UP na nageensayo sa steps (katabi ng entrance sa abellardo hall) isang matahimik na hapon nang biglang dumating sila Ruben Reyes kasama ang mga studyante nya na meron dalang mga gitara tumambay sandali nakinig at nagtawanan ng malakas sabay lapag ng kanilang mga gitara at nag ensayo na tila bang parang sinasadya ang pagtugtog ng superelectromagnetic fortissimo sa mga gitara nila habang nageensayo ang mga gitaristang UP. Nagulat lahat kami pero hindi nalang kami nag react at nagkayayaan nalang i-inom ang pangyayari sa gulod. Ng sumunod na buwan ay ginanap ang guitar kompetisyon na nilahokan ng mga taga UST at UP at Concierto in D ni Tedesco ang main competition piece noon. nanalo ang 2 (UST kasama doon si MC) at isang UP(E.J. Delgado) kaming taga UP ay hindi nagreact dahil tama ang desisyon ng mga hurado kahit na nasabihan lang kami na meron ganitong kompetisyon 1 buwan lang bago ito maganap. Taas kamay kami at saludo sa kanilang mga talento (UST Guitar majors) pero dahil sa ginawa nila (pag sulpot sa UP at pag tugtog ng superelectromagnetic fortissimo ng hindi man lang nagpaalam kung ok lang ba maki ensayo dahil dumadayo lang sila at hindi nila lugar ito) ay nawala ang aking respeto. naalala ko rin yung mga nabanggit mo pag ubo at tawa ni Ruben habang meron nagrerecital dahil nasaksihan ko rin lahat yun kulang pa nga doon ay yung pag walkout sa gitna ng recital eh. Oo aaminin ko na magaling si Ruben “magturo” dahil marami naman talaga sya napagaling na mga studyante yun nga lang talagang “Bastos”(at studyante din sya ng isa sa mga naging prof ko na si Billy Guerrero).pero dahil sa maliit na kabastusan ay babalik din sa inyo at inabutan este hindi lang pala inabutan kungdi nilagpasan at lalagpasan pa. Naiintindihan ko na isa sa mga trabaho ng mga makatha/kritikong bastos na katulad mo ay ang palakihin at palawakin ang kontrobersiya sa isang “pangyayari” upang magkaroon ng kumpetisyon nang sa ganoon ay umangat ang level ng mga talent. at dahil dito ay nagtagumpay ka!

  15. Huwag na kayong magmalinis lahat hindi bat kompetisyon din naman ang habol ninyong lahat?

    • Hindi hinahabol ang kompetisyon, bagkus ang premyo o award. Secundum quid, hijo.

      • Ngunit hinabol nyo rin ang kompetisyon. Hindi naman kayo ngangalngal kung walang natalo sa inyo. Kung natalo naman yung kabilang hanay malamang ganyan din ang reaksyon nila.

      • Ang kulit mo talaga, Jerome, at parang hindi ka si Jerry Garcia. Gawad, premyo, at pagkilala ang hinahabol ng mga lumalahok sa kompetisyon. Ngunit dahil hindi mapagtitiwalaan palagi ang mga hurado, kinakailangang umimbento ng reimbestigasyon na gaya ng ginawa ng WBO para malutas ang sigalot.

  16. Sa susunod kasi wag kang mangdadamay o magbabanggit ng mga pangalang wala namang ginawang masama. Bilang isang matalinong manunulat na gaya nyo dapat alam niyo yan.

    • At sa susunod, gamitin mo ang totoo mong pangalan. Wala kang dapat ikatakot kung nagbibigay ka lamang ng puna.

      • I have my own freedom here just as you do. Kakahiya ka tsong. Yabang mo pa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: