Panibugho

Baka magising ka isang umaga na nakapahilis ang sinag sa mga mata, at ang tahanan ay maaliwalas at maluwag at mailap sa panibugho. Maririnig mo ang mga maya at kabisote sa bintana, na pawang humuhuni ng matitinis na paramdam sa mga sanga ng punong bayabas. Tutunog ang orasan, maaalimpungatan ang panganay mo, at makaraang makapag-inat ay lalapit sa iyo para batiin ka sa araw na kinasasabikan. Apatnapu’t isang Enero, ano ang kahulugan ng panahon kung sukatan ang bilbil at uban? Dapat bumangon nang maaga at gumugol ng panahon para kumita. Ngunit malamig ang simoy at sumisimoy sa loob mo ang kabataang panahong natutulog ka sa mga pansamantalang silid, nakaunan sa bisig ng lalaki, yumayakap sa animo’y mabangong unan, at ang lalaking ito ay paulit-ulit na palaisipan kung dapat siyang pagtiyagaan sa lahat ng kaniyang kabaliwan sa loob ng labinlimang tag-ulan. Itatakwil mo siya sa kung anong kasalanan, at magugunita mo lamang siya sa hulagway ng iyong bunso, na kung hindi makulit o palabiro ay maghahain sa iyo ng katwiran para sumakit ang tiyan sa nakatutuwang bagay. Minsan, dapat ka ngang manibugho. Kailangan mong magbihis gaya ng dalagitang halos pasukin ang salamin, at gumamit ng kosmetikong makapagpapagaan ng loob. Kailangan mong lumandi paminsan-minsan, gaya ng tokaya, at magliyab ang kandungan at kalooban. Anuman ang iyong anyo, anuman ang himutok, anuman ang pangamba, mananatili ka sa amin. Mananatili ka sa amin nang higit sa maipamamalas ng balát at rabáw, at ang ubod mo ay bukál na paulit-ulit na tutuklasin namin sa ngalan ng pambihirang pagmamahal.

“Panibugho,” tulang tuluyan ni Roberto T. Añonuevo

Isang Tugon

  1. prof! ngayon lang ako nakakita ng isang tulang tuluyan. ganito pala ang format nito.

    salamat po!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: