Liwayway

May tapayan sa rabaw ng aking daliri, at nakasulat paikot sa bunged nito ang hulagway ng siklo ng dagat o simoy o bundok. Maaaring sinaunang fatek ang tatak, iginuhit ng matandang artesano, at sa payo ng pitho ay iniukit ang arkitektura ng uniberso. Kung sisipatin mula sa itaas, ang tapayan ay tila susong namumurok ang utong. Buksan ang takip ng tapayan at aalimbukad na usok ang mga anghel at kaluluwa mula sa kailaliman. Silipin ang loob ng tapayan at matutunghayan ang gunita ng tubig, butil, pabango, alak, o kalansay. Ititikom ko ang palad, at maglalaho ang tapayan sa palasingsingan. Hawakan mo ang aking kamao, marahang pisilin, at pagbukas ng aking palad ay maaasahan mong magbubukas din ang mga kulay ng Taglagas.

“Liwayway,” tulang tuluyan ni Roberto T. Añonuevo. 23 Nobyembre 2009.

Advertisements

3 Tugon

  1. Bunged, fatek ay mga bago na namang naengkuwentro ko sa inyo na di ko mauri kung ano. at ang mga tulang tuluyan niyo ay maririkit na halos higit pa sa tula. kakagulat po talaga ang hagod niyo sa wika. muli, salamat po sa patuloy niyong pamumukadkad.

    Tumbas ‘JB’ Manipis

    • Tumutukoy ang “bunged” sa pinakakatawan o trunk, gaya sa punongkahoy, ngunit sa pagkakataong ito ay ginamit ko sa katawan ng tapayan. Ang “fatek” naman ay katumbas ng “tato” sa Filipino o “tattoo” sa Ingles.

      Maraming salamat sa iyong pagsubaybay.

  2. ok to! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: