Pagsasabi nang Tapát

Parang pinagtiyap ang pangyayaring ang pag-ibig ay ibong mailap na dumapo sa sanga ng punongkahoy, humuni ng nakakikilig na awit, saka isinalin nang patuka sa tangkay ang katauhan. Lumayo man ang ibon, maiiwan ang gunita nito sa ugat, sa bunged, sa balakbak, sa sanga, sa dahon, sa bunga, sa bulaklak, sa punongkahoy. At ang punongkahoy ay patuloy na tatayog, yayabong, lililim; at hindi na lamang mananatiling karaniwang punongkahoy gaya noon, dahil maisasaloob nito ang diwa ng pakpak, at ang guniguni ng malayo’t marubdob na paglipad. Samantala, matatangay ng ibon ang halimuyak ng punongkahoy—at madarama na hindi ito kailanman iniwan— magbago man ang simoy ng panahon.

Ang Ibon, larawan mula sa www.pdphoto.org

Ang Ibon, larawan mula sa http://www.pdphoto.org

2 Tugon

  1. ang ganda po ng talumpating ito ngunit nais ko po sanag hiramin ng ilang saglit salamat po!!!!^^

    galingan nyo pa po ang pag sulat salamat

  2. gustong gusto ko po ang mga tulang patungkol sa mga ibon at puno —

    salamat po sa magandang tula.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: