Ang Sugo

Ipinadala siya ng Tsina sa Filipinas, at bilang iginagalang na akademiko’y napasok niya ang unibersidad ng estado. Noong una’y patango-tango lamang siya, waring muslák at walang alam, ngunit ang totoo’y higit niyang kabesado ang tesawro-diksiyonaryo ni Jose Villa Panganiban kung ihahambing sa karaniwang Filipino. Nanirahan siya nang ilang linggo sa Binondo, lumipat sa kung saang dormitoryo, at kumilos gaya ng matapat na mamamayan. Napangiti siya sa kaniyang pagbabalatkayo. At ang kaniyang utak ay kumislot gaya ng pinakabagong komputador, itinala ang lahat ng dapat itala—mulang aklat, balita, at tsismis hanggang samot na kalakaran, mapa, at dunong—upang pagkaraan ay ipadala sa pamamagitan ng elektronikong simoy tungo sa Peking. Bumigat ang kaniyang balikat at napakabilis ng sandali.  Ganito ba ang puso ng Wakyaw, bulong niya sa sarili. Hanggang isang araw, napaibig siya sa isang binatang kayumanggi; at di-napigil ang mga labi na bigkasin ang pinakamatamis na pagtataksil habang lastág na nagsusulat ng tula sa gilid ng Ilog Pasig.

3 Tugon

  1. Samot sari ang pamimilian, ngunit alin? Tila wala. Pero, salamat.

  2. girlfriend ba ni jose rizal itong babaeng to??

    ilang ulit kong binasa kasi ang lalalim ng mga salita. heehee

  3. kaintriga to.. hindi ko ata nabalitaan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: