Tag-araw

Hahanapin mo ang pook na ito kapag lumalabis ang init ng tag-araw. Maglalakad ka nang nakayapak, at ang makukulay na bato sa dalampasigan ang magpapagunita sa iyo ng mga gumuhong bundok at naaagnas mong katauhan. Lalapit ka sa dagat, at ang dagat ay lalayo sa iyo. Mapapaupo ka sa buhanginan, at ipagkakanulo ka ng sariling anino. [Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo]

Hahanapin mo ang pook na ito kapag lumalabis ang init ng tag-araw. Maglalakad ka nang nakayapak, at ang makukulay na bato sa dalampasigan ang magpapagunita sa iyo ng mga gumuhong bundok at naaagnas mong katauhan. Lalapit ka sa dagat, at ang dagat ay lalayo sa iyo. Mapapaupo ka sa buhanginan, at ipagkakanulo ka ng sariling anino. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Nangangarap ka rin marahil noon gaya ni Ulysses. Matigas ang buto, malinaw ang paningin, at matatag ang loob. Habang tumatagal, ang tinatanaw mong ibayo ay umiilap, at ang pakikipagsapalaran ay higit na makulay sa iyong lupang niyayapakan. Ano kaya kung may tapayan sa paanan ng bahaghari? Paano kung bumunsod ang bangka at kainin ng laot? Sino ang magsusulsi ng damit at mananatiling tapat sa paghihintay? Marami kang tanong, at marahil magpapanukala ng sagot ang mga alon. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Nakabantay ang iyong matapat na kaibigan. Magpapauna siya upang hawiin ang panganib, o kaya'y iligtas ka sa sakuna. Tatahulan niya ang malamig na hihip-dayaray, at maya-maya'y aahon sa dalampasigan ang babaeng nakahubad, at lasing na lasing sa pangangarap. Lalapitan mo siya, ngunit mangangatog ang iyong mga tuhod. Hahalakhak ang babae, at ilang sandali pa'y sasalpok ang mga alon, upang burahin ang bakas ng kaniyang pagkakakilanlan. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Nakabantay ang iyong matapat na kaibigan. Magpapauna siya upang hawiin ang panganib, o kaya’y iligtas ka sa sakuna. Tatahulan niya ang malamig na hihip-dayaray, at maya-maya’y aahon sa dalampasigan ang babaeng nakahubad, at lasing na lasing sa pangangarap. Lalapitan mo siya, ngunit mangangatog ang iyong mga tuhod. Hahalakhak ang babae, at ilang sandali pa’y sasalpok ang mga alon, upang burahin ang bakas ng kaniyang pagkakakilanlan. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Magpapantay sa panginorin ang bundok at dagat. Maaaring matakpan ng mga dahon ang bundok, at ang dagat ay maisasalin lahat sa himpapawid. Marami ka pang kabalbalang maiisip, habang umaalunignig ang mga kuliglig at humuhuni ang mga ilahas na ibon. Mahihiga ka sa ilalim ng sinaunang punongkahoy, at ang iyong anino ay maglalaho sa buhangin. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

7 Tugon

  1. gumana nanaman ang iyong malikhaing imahinasyon.. galing!

  2. nakakamiz umuwi ng province…😛

  3. napakagandang “pagmasdan” ang mga tula po ninyo.

    • Salamat, Ruth, sa iyong pagpansin. Isang tagay sa iyo!

  4. kamusta po, salamat sa pagkomento sa akda kong Viva Las Vegas. Nakakataba ng puso at ang isang tulad nyong mahusay na manunulat sa paggawa ng mga tula at talata ay bumisita sa aking website.

    Natutuwa ako sa pagsusulat nyo ng tagalog. Kinikilabutan ako sa ganda ng pagkakasulat. Nagkaroon na naman ako ng inspirasyon para makapagsulat.

    • Ipagpatuloy mo ang iyong pakikipagsapalaran, at sa tingin ko’y darami lalo ang iyong isusulat dahil sa pambihira mong karanasan.

  5. hahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: