Ang Kahon

"Balikbayan Box," pintura ni John Santos

"Balikbayan Box," oleo sa kanbas, pintura ni John Santos

ANG KAHON

(salamat sa “Balikbayan Box” ni John Santos)

Maaaring ang parihabang kahon ay matayog na gusali,
at ang loob ay naglilihim ng mga butong bali-bali.
Nagtataglay din marahil iyon ng tsokolate, prutas, alak,
gamot, damit, kompiyuter, retrato, at kung ano-anong
rekwerdo o pasalubong o bakás ng mga paglalakbay.
Buksan ang kahon at mabubuksan ang laksang silid.
Buksan ang mga silid at lilitaw ang sumpa at salot.
Buksan ang kahon at mabubuksan ang mga bintana.
Buksan ang mga bintana, at mauulit ang panahon ng pagtuklas.

Maiiwan sa loob ng kahon ang Pag-asa.

Nasa tuktok niyon ang mga aklat ng karunungan o bait
o karanasan na masasagap sa banyagang isla o lupalop.
Sapatos ang palamuti sa garautan, ang sapatos na tumapak
sa entablado at balikat, sa bibitayan at anino upang manaig.
Gawa sa Filipinas ang kahon, ngunit marahil hindi ang laman,
dahil ang anumang umalis sa pantalan o paliparan
ay maghuhunos ng anyo, magpapalit-pangalan, mananariwa
sa pasaporte, retrato, at katauhan. O ito lamang ang nais
mong isipin. May naglaho at maaaring hindi na magbabalik pa.

Ipagugunita ng kahon ang lahat ng balikbayan. At ang balikbayan,
gaya ni Jose Rizal, ay dapat litisin, hatulan, bago kitlin sa Bagumbayan.

4 Tugon

  1. ang bigat nitong kahon na’to daming laman🙂
    ang galing..

    • Bigatin din kasi ang pintor, si John Santos, na isa ring kumbento boy.

  2. uy, isa rin kumbento boy ang pintor..ang galing naman, at yung naglapat ng tula para dito ay isa rin kumbento boy…🙂

  3. marahil kabilang kami sa mga laman ng kahon…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: