Politika

Matututo akong tumanggap ng yakap at patalim na ibabaon sa aking likod. Mapatatawad ko ang alibughang anak, ang taksil na kapatid, ang kaliweteng asawa, ang suwail na bayan. Maipamimigay ko ang lahat ng aking yaman sa mga dukha, at aasahan ang pag-ulan ng tinapay mula sa langit. Hindi ako matitinag ng halik na maaaring may kamandag o balani mula sa kung saang lupain. Mangingisda ako, kahit pa ang sumabit sa aking bingwit ay lata ng sardinas o plastik na tsinelas. Tatawid ako ng dagat, at magkakapader ng asin. Magdidildil ako ng asin, at tatalikuran ang pagkagunaw ng lungsod. Naaarok ang lahat, at napagtitiyagaan. Kailangan ang pagbabago, hindi ba? Nakasasawà rin ang labis na pagmamatigas ng ulo, at pagkuyom ng kamao. Kaya bago maturingang sinungaling, hayaang sabihin kong napagagaan ang lahat, at naisasaloob, lalo ang matiim na pakikipagkamay sa iyong pinakamatalik, pinakamamahal na kaaway.

Advertisements

Isang Tugon

  1. napadaan po ako. 🙂

    gusto kong magkomento pero hindi ko alam yung tamang salita. basta ang alam ko lang, sa isang banda, nagtagpo yung paniniwala natin. pagbabago, oo kailangan natin yan. sabi nga ng isang kaibigan, “if you are lusting for change, lust for societal change.”

    add po kita sa blogroll ko ha? very nice blog indeed!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: