Advertisements

Mostly in Monsoon Weather ni Marne L. Kilates

Ito ang pinakabagong aklat ni Marne L. Kilates, ang makatang dapat basahin ng mga Filipino saanman sila naroroon.

Ito ang pinakabagong aklat ni Marne L. Kilates, ang makatang dapat basahin ng mga Filipino saanman sila naroroon.

Isa si Marne L. Kilates sa mga ibinibilang kong makatang tarikan, at ito ay hindi dahil mahilig siyang tumoma at madaling magpaamo ng anghel, bagkus sa husay niyang humabi ng mga taludtod na may angking kinang at uri, at kung baga sa alahas ay pinagbuhusan ng talino, haraya, at panahon. Sa 7 Nobyembre 2008, Biyernes, ganap na ala-seis ng gabi, ilulunsad ang kaniyang pinakabagong aklat na pinamagatang Mostly in Monsoon Weather, sa Villanueva Offices Roof deck Gallery, CC Castro Building (kaharap ng Sir Williams Hotel), Timog Avenue, Quezon City.

Lahat ng aklat ni Kilates ay nagwagi ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle, at bukod pa rito ay kinilala rin ang kaniyang galing sa pagsasalin ng mga tula, sanaysay, kuwento, at iba pang lathalain mulang Filipino at Bikol tungong Ingles. Pinakabago niyang salin ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas, at ang mga aklat nina Rio Alma, Jess Santiago, at iba pang makatang bikolano.

Magkakaroon ng inuman, sketching, at salin-awit  pagkaraaan ng paglulunsad na dadaluhan ng mga sikat na alagad ng sining, kung hindi man alipin ng sining. Inaanyayahan ang sinumang mahilig sa tula at panitikan na dumalo sa naturang paglulunsad, at bumili ng aklat. Ang paglulunsad ng aklat ay sa kabutihang loob ni Atty. Redem Villanueva, na de-kalibreng abogado at matagal nang patron ng sining.

Advertisements

2 Tugon

  1. Pare,

    Maraming salamat sa mahusay at nakatatabang-puso na pagbalita ng aking paglunsad. Iikot sa malawak na mundo ng WordPress at buong Web ang balitang ito, at okey lang kung dumugin tayo ng ating mga taga-hanga, laluna’t ang nagbalita ay isa ring tarikan ng wikang Filipino, at ang mga bisita ay ganoon din. Mapupuno ng diyoses at anghel ang ating piging at masasamyo hanggang langit ang ating mga alak at ambrosya, babango ang buong santinakpan, at makibabahagi sa saya at musika pati ang mga mortal.

    Salamat ulit (may coronang laurel sa ulo, may hawak na kupita),
    Marne L. Kilates

  2. Hehehe.. nakakatuwa naman mag-usap ang mga makakata. (natuwa si Batopik dahil sa comment ni Ms. Kilates) Kapag naiimagine ko ay para lang akong nanonood ng mga sinaunang dulaan… hehehe. naiimagine ko pa rin. 🙂

    Minsan nga pala ay may mga malalalim na Tagalog ka pong nagagamit na hindi ko alam. Nagcocontext clues na lang tuloy ako. hahahaha. Wala lang po. Mabuhay po ikaw!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: